Paalam! Hari ng Komedya
(July 25, 1928 – July 10, 2012)
Matapos ang halos isang buwan na pananatili sa
Makati Medical Center, ay pumanaw na ang “Hari ng Komedya” na si Rodolfo Vera
Quizon, o mas kilala sa pangalang Dolphy. Pasado alas otso ng gabi ng
kumpirmahing siya ay binawian na ng buhay. Siya ay namatay sa edad na 83 dahil
sa sakit niyang Chronic Obstructive Pulmonary
Disease.
Si Dolphy ay nagkaroon ng sakit
na Chronic Obstructive Pulmonary Disease limang taon ang nakalipas. Isinugod sa
Makati Medical Center si Dolphy noong gabi ng ika-siyam ng Oktubre at
idineretso sa Intensive Care Unit or ICU. Bago siya namatay ay nanatiling
kritikal ang kaniyang kalagayan kaya siya sumailalim sa dialysis at blood
transfusion.
Nagluluksa ang buong bansa at
halos buong mundo sa pagkamatay ng Comedy King. Hindi lang kasi sa ating bansa
ibinabalita ang pagpanaw ng Comedy King kundi sa buong mundo. Simula noong gabi
ng kanyang pagkamatay ay nangunguna na ito sa Twitter Philippines at trending
din ito sa Twitter worldwide. Hindi lang sa Twitter kundi sa Facebook din at
iba pang social networking sites na napakabilis ang pagkalat ng balita at mga
larawan ng Comedy King.
Nagpaabot ng pakikiramay ang
mga kasamahan niya sa trabaho at industriya. Maging ang mga senador at pulitiko
na kasama at kaibigan niya ay nagdadalmahati rin at mabilis na nagpaabot ng
pakikiramay sa pamilya ng Hari ng Komedya sa pamamagitan ng Twitter at iba pang
social networking sites.
Ang kaniyang mga labi ay
nakaburol sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig. Naging pribado ang unang araw
ng burol sa labi ng Comedy King ngunit kinabukasan naman ay nagkaroon ng
pagkakataon ang kaniyang mga fans na masilayan ang kanilang iniidolo sa
pamamagitang ng public viewing.
Ika-15 ng Hulyo, araw ng lingo
noong inihatid ang Comedy King sa kaniyang huling hantungan. Magkahalong
emosyon ang nararamdaman ng kaniyang pamilya at mga kaibigan. Nagpalagay din
ang ilang mga apo at anak ng Comedy King ng tattoo bilang pagrespeto at
pagmamahal sa Hari ng Komedya. Samantalang ang kaniyang long-time partner na si
Zsazsa Padilla ay panay pa rin ang pagsabi ng I LOVE YOU kahit nakaburol na ang
Hari ng Komedya
Mensahe ng mga nagmamahal kay Dolphy:
Senator Manny Villar:
"Bagaman matagal nang nakaratay, nakakabigla pa rin ang
paglisan ni Dolphy lalo na at nababalitaan natin na bumubuti ang kanyang
kalagayan at marami ang umasa sa kanyang patuloy na paggaling. Isa ako sa
nakasaksi sa kanyang paglakas noong dalawin ko siya sa ospital kung saan
nagpahayag pa siya ng kagustuhang makauwi na," ayon kay Villar.
Maybelyn dela Cruz-Fernandez:
Walang makakapantay sa nag-iisang hari ng komedya. Ayon kay
Maybelyn, kapag nagpatawa kasi si Dolphy ay talagang nakakatawa at napapasaya
ang lahat gayundin naman kapag nagpaiyak ay tatagos din ito sa puso ng mga tao.
Aniya, tunay na kahanga-hanga ang kanyang ama-amahan sa
showbiz dahil lahat ng kanyang ginawa noon ay kapupulutan ng aral ng mga
manonood.
Hindi rin daw mahirap lapitan si Pidol kapag mayroon siyang
problema dahil labis ang kabaitan at mapagkumbaba.
Sa katunayan ay ayaw daw ni Dolphy na makilala siya bilang
malaking artista o maging ang bansag na "comedy king."
Hindi umano niya pinaparamdam sa mga tao na malayo na ang
kanyang narating.
Tunay aniyang hindi malilimutan ang taong tulad ni Dolphy
dahil na rin sa kanyang mga nagawa bilang isang magaling na artista, mabuting
ama at maaasahang kaibigan.
Si Maybelyn ay naging anak-anakan ng hari ng komedya at
nakasama noon sa TV sitcom na "Home Along da Riles."

Ruffa Gutierrez:
Farewell, Ninong Dolphy, I know you will
be smiling at us from heaven
Zsa Zsa Padilla:
Mahal na mahal ka ng sambayanan, Dolphy.
Maraming salamat sa lahat ng katatawanan na ibinigay mo sa lahat ng Pilipino. I
love you, lovey ko. Until we meet again.