Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Ang Buhay ng Hari ng Komedya


Rodolfo Vera Quizon, Sr., o kilala sa kanyang screen name na "Dolphy" at "Golay".

Siya ay isang Pilipinong artista at tinaguriang Hari ng Komedya o King of Comedy ika nga. Siya ay ipinanganak noong Hulyo 25, 1928 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Melencio E. Quizon, na nagtrabaho sa barko, at Salud V. Quizon.

Bago siya maging artista ay nagtinda muna siya ng butong pakwan at mani sa loob ng isang sinehan. 13 taong gulang siya noong naganap ang ikalawang digmaan sa Pilipinas. Naging tagalinis siya ng mga sapatos, tagakabit ng mga butones sa isang pagawaan, at nagmaneho rin ng kalesa noong mga panahon na iyon. Kapag wala siyang ginagawa, siya ay nanunuod ng mga pelikula nila Pugo at Tugo sa Life Theatre and the Avenue Theatre.

Si Dolphy ay nagkaroon ng siryosong relasyon sa 5 babae. Ito ay sina Engracia Dominguez, Gloria and Baby Smith, Evangeline Tugalao, at Alma Moreno. Ang pinakamatagal niyang nakarelasyon ay si Zsa Zsa Padilla na sa kaduluduluha'y gumabay sa kanya. Hindi nga lang sila opisyal na naikasal sapagkat natagalan ang annulment ni Zsa Zsa sa kanyang huling asawa na tatay ng anak niyang si Karylle.

Nagkaroon siya ng 18 anak. Ang mga anak na iyon ay hindi sa isang babae lamang kung hindi sa iba’ t ibang babae na kanyang nakarelasyon. Ang mga anak niya ay sina Manny Boy, Sahlee, Dolphy Jr., Freddie, Rolly, Kaye, Carlos, Dino, Edwin, Ronnie, Eric, Dana, Epi, Rommel, Vandolph, Nicole (ang kanilang ampon), at Zia.

Nagsimulang magtanghal si Dolphy sa entablado noong panahon na nasa Pilipinas ang mga Hapon. 17 taong gulang siya noong nagkaroon siya nang trabaho bilang isang chorus dancer sa Avenue Theatre nang isang buwan. Maraming nagawang pelikula at TV series si Dolphy. Ang mga popular na pelikula ay ang mga sumusunod: Home Along Da Riles,  kung saan nakilala siya bilang Kevin Kosme, at ang popular na TV series na John N Marsha, kung saan siya ay nakilala naman bilang John Puruntong.
Noong 2009 naman, nalamang siya ay may Chronic Obstructive Pulmonary Disease. Ang sakit na ito ay nagpapahirap sa isang tao na makahinga nang maayos. Namalagi si Dolphy sa hospital para siya ay magamot, ngunit hindi nagtagal, binawian rin ng buhay noong Hulyo 10, 2012.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento