Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Salamat, Tito Dolphy


Paalam! Hari ng Komedya
(July 25, 1928 – July 10, 2012)
Matapos ang halos isang buwan na pananatili sa Makati Medical Center, ay pumanaw na ang “Hari ng Komedya” na si Rodolfo Vera Quizon, o mas kilala sa pangalang Dolphy. Pasado alas otso ng gabi ng kumpirmahing siya ay binawian na ng buhay. Siya ay namatay sa edad na 83 dahil sa sakit niyang Chronic Obstructive Pulmonary Disease.

Si Dolphy ay nagkaroon ng sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease limang taon ang nakalipas. Isinugod sa Makati Medical Center si Dolphy noong gabi ng ika-siyam ng Oktubre at idineretso sa Intensive Care Unit or ICU. Bago siya namatay ay nanatiling kritikal ang kaniyang kalagayan kaya siya sumailalim sa dialysis at blood transfusion.

Nagluluksa ang buong bansa at halos buong mundo sa pagkamatay ng Comedy King. Hindi lang kasi sa ating bansa ibinabalita ang pagpanaw ng Comedy King kundi sa buong mundo. Simula noong gabi ng kanyang pagkamatay ay nangunguna na ito sa Twitter Philippines at trending din ito sa Twitter worldwide. Hindi lang sa Twitter kundi sa Facebook din at iba pang social networking sites na napakabilis ang pagkalat ng balita at mga larawan ng Comedy King.

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga kasamahan niya sa trabaho at industriya. Maging ang mga senador at pulitiko na kasama at kaibigan niya ay nagdadalmahati rin at mabilis na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Hari ng Komedya sa pamamagitan ng Twitter at iba pang social networking sites.
Ang kaniyang mga labi ay nakaburol sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig. Naging pribado ang unang araw ng burol sa labi ng Comedy King ngunit kinabukasan naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang kaniyang mga fans na masilayan ang kanilang iniidolo sa pamamagitang ng public viewing.

Ika-15 ng Hulyo, araw ng lingo noong inihatid ang Comedy King sa kaniyang huling hantungan. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng kaniyang pamilya at mga kaibigan. Nagpalagay din ang ilang mga apo at anak ng Comedy King ng tattoo bilang pagrespeto at pagmamahal sa Hari ng Komedya. Samantalang ang kaniyang long-time partner na si Zsazsa Padilla ay panay pa rin ang pagsabi ng I LOVE YOU kahit nakaburol na ang Hari ng Komedya

Mensahe ng mga nagmamahal kay Dolphy:


 Senator Manny Villar:
"Bagaman matagal nang nakaratay, nakakabigla pa rin ang paglisan ni Dolphy lalo na at nababalitaan natin na bumubuti ang kanyang kalagayan at marami ang umasa sa kanyang patuloy na paggaling. Isa ako sa nakasaksi sa kanyang paglakas noong dalawin ko siya sa ospital kung saan nagpahayag pa siya ng kagustuhang makauwi na," ayon kay Villar.

Maybelyn dela Cruz-Fernandez:
Walang makakapantay sa nag-iisang hari ng komedya. Ayon kay Maybelyn, kapag nagpatawa kasi si Dolphy ay talagang nakakatawa at napapasaya ang lahat gayundin naman kapag nagpaiyak ay tatagos din ito sa puso ng mga tao.
Aniya, tunay na kahanga-hanga ang kanyang ama-amahan sa showbiz dahil lahat ng kanyang ginawa noon ay kapupulutan ng aral ng mga manonood.
Hindi rin daw mahirap lapitan si Pidol kapag mayroon siyang problema dahil labis ang kabaitan at mapagkumbaba.
Sa katunayan ay ayaw daw ni Dolphy na makilala siya bilang malaking artista o maging ang bansag na "comedy king."
Hindi umano niya pinaparamdam sa mga tao na malayo na ang kanyang narating.
Tunay aniyang hindi malilimutan ang taong tulad ni Dolphy dahil na rin sa kanyang mga nagawa bilang isang magaling na artista, mabuting ama at maaasahang kaibigan.
Si Maybelyn ay naging anak-anakan ng hari ng komedya at nakasama noon sa TV sitcom na "Home Along da Riles."

Ruffa Gutierrez:
Farewell, Ninong Dolphy, I know you will be smiling at us from heaven
Zsa Zsa Padilla:
Mahal na mahal ka ng sambayanan, Dolphy. Maraming salamat sa lahat ng katatawanan na ibinigay mo sa lahat ng Pilipino. I love you, lovey ko. Until we meet again.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento